top of page

Wala Akong Pakialam Kung Bukambibig Mo Siya

  • jamiedelosreyes
  • Mar 22, 2015
  • 1 min read

"Alam ko naman ang pakiramdam

Nang nababaliw sa taong

Walang pakialam."

TIDqBLgQw6IUt5ZHKS0f_11891558035_eafdf53bf0_o.jpg

Wala akong pakialam

Kung sinaktan ka nya.

Wala namang nag-utos sayo

Na landiin sya

Eh malas mo

Nahulog ka.

Wala akong pakialam

Kung nasugatan ka

Sa pagkakadapa.

Sino ba naman kasi

Ang nagsabi

Na seryosohin mo

Ang mga lasing na pangako nya.

Wala akong pakialam

Kung nagmukha kang tanga.

Hirap kasi sayo

Hinawakan lang kamay mo

Kala mo mahal ka na.

Wala akong pakialam

Kung ayaw na nyang balikan ka.

Wala namang pumupwersa

Sa kamay mo na kapitan sya.

Wala akong pakialam.

Wala akong pakialam

Kung ang bigat mong pasanin

Kapag nasobrahan ka na sa gin.

Ayos lang kahit magdamag tayong

Nakaupo dito sa kanto.

Wala akong pakialam.

Wala akong pakialam

Kung bukambibig mo pa rin sya.

Alam ko naman ang pakiramdam

Nang nababaliw sa taong

Walang pakialam.

Wala akong pakialam

Pero kasi diba

Pinangako ko na

Andito lang ako

Kahit sabi nga ni Popoy,

"Ang sakit sakit na."

Wala akong pakialam.

Maaga pa ang pasok ko bukas

Pero bahala na.

Dito muna ako

Habang basag ka pa.

Malayo pa naman ang umaga.

by Jamie Delos Reyes


 
 
 

Σχόλια


Recent Posts
Find Words By Month
Find Words By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Found Words © 2015. All Rights Reserved.

bottom of page