Mahal Minamahal Minahal
- Tom Sarapat
- Jul 13, 2015
- 1 min read
"Alam kong kulang kaya patawad."

..........................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................
Mahal kita
At iipunin ko ang lahat ng bulaklak na meron ang mundo para tanungin mo habang iniisa isa ang talulot nito kung mahal nga ba talaga kita ay gagawin ko
At kung pumatak man sa hindi ang pinakahuling pagpitas ay iisa parin ang lalabas na sagot sa bibig ko
Minamahal kita
Kagaya ng pagbigay ng kulay ng langit sa karagatan
Mula nung unang araw ng lumikha hangang ngayon at mag pakaylanman
Magtaksil man ang araw bituin at ang buwan
Minamahal kita
Hangang may kulay ang karagatan
Minahal kita
Noon at alam kong kulang kaya patawad pero minamahal pa rin kita hangang ngayon at sobra sobra na kitang mahal kahit na ang mga lumang litrato mo nalang ang nag sisilbing presensiya Kahit na ang liham mo nalang na paulit ulit ulit kong binabasa ang nag sisisilbing salita na humahaplos sa mga gabing akoy nag hihikahos na huminga habang iniisip kita
Mahal kita
Mahal na mahal kita
At hindi na ako ang may hawak ng buhay ko
Noong sumagot ka ng mahal din kita.
[Listen to this poem on Soundcloud: http://soundcloud.com/user255781894/mahal-minamahal-minahal
Yorumlar