top of page

Para Sa'yo

  • Dave Cuenca
  • Apr 23, 2015
  • 1 min read

"Bakit ganito ang epekto mo sa akin?"

photo-1425036458755-dc303a604201.jpg

.........................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................

Eto nanaman ako

Sinusubukan sumulat ng tula para sayo.

Pero kapag hawak ko na ang lapis at papel

Tila ramdam ko ang bawat tibok na para sayo

Iisang emosyon hndi ko mabangit o maisulat

Utak ko tila lumilipad sa himpapawid

Kamalayan na nawawala

Sa isang madilim na lugar

Sa isang silid kung saan

Tibok lamang ng puso ko ang aking naririnig.

Anong meron ka,

Bakit ganito ang epekto mo sa akin?

Ako'y natatameme, napapatupi sa kaba

Di mapakali sa kinauupuan at nahihirapan huminga

Napapatulala sa kawalan

Patungo sa lupain ng mga panaginip

Kung saan ika'y nakakasama:

Nagdiriwang

Bumibilis

Bumibigat

Nagsusumigaw.

Ang puso kong sing-liit man ng kamao,

Pero singlawak naman ng kalawakan

Ang pagtingin sayo.


 
 
 

Comments


Recent Posts
Find Words By Month
Find Words By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Found Words © 2015. All Rights Reserved.

bottom of page