top of page

Konsiyerto

  • Toni Flores
  • Apr 25, 2015
  • 1 min read

"Babangon ako."

unsplash_523b1f5aafc42_1.JPG

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakikita ko ang mga anino ng mga tao sa isang konsiyerto, ibinabalik ang alaala ng tabi mo.

Mga unang salita. Mga unang ngiti. Tamis at pait ng isang sandali na alam kong matatapos pagsapit ng alas dos. Nagpadala tayo noon sa kanta, sabay natulala sa tunog ng gitara. Lumundag, nagwala.

Sa mangilan-ngilan na paghinga, tumitig ako sa iyong mga mata. Narinig ko ang kakaibang musika. Mga bagong nota. Mga bagong linya.

Ang lambing at lumbay ng isang kanta na alam kong balang-araw hindi na natin maisasayaw. Nasa entablado na ang paborito nating banda, ibinabalik ang alaala ng yakap mo. Mga lumipas na pangako. Mga lumipas na pag-asa. Ang lambot at lungkot ng napipintong paglaya ng kamay mong bumibitaw bago pa man sumikat ang araw.

At nahumaling ako.

Hinanap-hanap ko ang kagandahan ng kulay ng bukang-liwayway na hindi man lamang natin inabot. Dahil sa piling ng iba, ako'y iyong nilimot.

Ngunit lalaya ako.

Babangon ako.

(Ang tulang ito ay alay ni Toni para sa kaibigan nyang si Gee)


 
 
 

Comments


Recent Posts
Find Words By Month
Find Words By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Found Words © 2015. All Rights Reserved.

bottom of page